Panuto: Isulat ang KH kung ang pahayag ay tungkol sa Kodigo ni Hammurabi at KM kung ang pahayag ay tungkol sa Kodigo ni Manu. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Itinuturing ang mga babae na parang produkto na ibinebenta at binibili sa kalakalan
2. Ang babaeng hindi tapat sa kaniyang asawa ay parurusahan ng kamatayan.
3. Pinapayagan na ibenta ng lalaki ang kaniyang asawa at mga anak
4. Ang babaeng nakikipagrelasyon sa mataas na uri ng lalaki sa lipunan ay mapupunta sa impiyerno.
5. Bata pa lamang ang babae ay ipinagkakasundo na siya hanggang umabot sa sapat na gulang
6. Ang agwat ng edad ng lalaki sa kaniyang magiging asawa ay tatlong beses ang tanda ng lalaki sa kaniyang asawang babae.
7. Ipinagkakasundo ang babae sa ibang lalaki kapalit ng pera at dote
8. Hindi dapat tututol ang ama na ipagkasundo ang anak na babae na ipakasal dahil ito ay isang malaking paglabag sa batas.
9. Ang isang Brahmin o pari ng Hinduismo ay hindi pinapayagan na makipagtalik sa isang mababang uri ng lipunan dahilan na siya ay mapupunta sa impiyerno.
10. Sa oras na mahuli siya na nakikipagtalik sa ibang lalaki pareho silang itatapon sa dagat hanggang malunod.