Isulat ang "sumasang-ayon" o "SA" kung ikaw ay sumasang-ayon sa pahayag at "hindi sumasang-ayon" o "HAS" kung ikaw naman ay hindi sumasang-ayon sa pahayag.

1. Sa pagbagsak ng Imperyong Roman at pananalasa ng iba-ibang pangkat ng mga barbaro ay natapos ang Sinaunang Panahon at pumasok ang pagsisimula ng Panahong Medieval.

2. Si Charlemagne o "Charles the Great" ang itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari ng Panahong Medieval. Pinamumunuan niya ang "Holy Roman Empire" na sinasabing muling bumuhay sa Imperyong Roman.

3. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng pagbagsak ng Imperyong Roman at pananalakay ng mga tribung barbaro, naging kanlungan ng mga tao ang Simbahan. Naging mahalaga ang papel ng “Kapapahan" o ang tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simabahang Katoliko.

4. Pangunahing layunin ng paglulunsad ng mga Krusada ang pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo sa iba pang panig ng daigdig.

5. Ang Piyudalismo ay isang matibay na sistemang naitatag noong panahong Medieval. Itinuturing itong sistemang politikal, sosyo-ekonomiko at militar na sagot sa pangangailangan sa tagapanguna sa panahon ng kaguluhan.

6. Ang pang-ekonomiyang aspeto ng Piyudalismo ay tinatawag na Manoryalismo. Ito ay ang sistemang gumagabay sa pamumuno ng mga hari sa kanilang nasasakupan.

7. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at pag-unlad ng kalakalan ay ang pag-unlad ng mga bayan. Ang paglago ng bayan ay nakatulong sa paglago ng kalakalan at ang paglago ng kalakalan ay nakatulong din sa paglago ng mga bayan.

8. Maaaring umangat ang isang tao sa lipunan dahil hindi nakabatay sa kapanganakan ang antas sa buhay kundi sa kayamanan ng isang tao.

9. Naging maunlad ang mga manor dahil sa pakikipagkalakalan sa ibang bayan.

10. Ang mga pangyayaring nagbigaydaan sa pag-usbong ng Europe ay nakatulong sa pagkakabuo ng pandaigdigang kamalayan sa kasalukuyang panahon.