Gawain 2: Basahin at unawain ang mga bawat talata. Isulat sa inyong sagutang papel ang pangunahing paksa sa bawat bilang 1. Maraming naitutulong ang panonood ng telebisyon. Sa pamamagitan ng mga balita sa telebisyon, nalalaman mo ang mga pangyayaring nagaganap sa paligid, Magandang libangan din ang mapabayaan mo ang iyong pag-aaral at mga gawain sa bahay. PAKSA: 2. Ang Baguio ay ang paboritong pasyalan o puntahan ng mga tao tuwing tag-init. Kaya marahil tinawag itong summer capital ng bansa. Hindi lamang ang malamig na klima ang dinarayo rito. Marami ring magagandang lugar na makikita rito gaya ng Burnham Park, Mines Ciew, at Mansion PAKSA: 3. Isang mahalagang indutriya sa ating bansa ang pagtatanim ng saging. Kinakailangan nito ang masusi at maingat na pag-aalaga sa halaman upang maging maganda ang ani. Sa kasalukuyan, marami na ang matiyagang mamamayan na naghahangad na magnegosyo ng industriyang ito dahil sa pangangailangan nito sa pamilihang pang-internasyonal. PAKSA: 4. Lubhang napakaginaw sa mga lugar na matataas. Malamig ang hangin dito. May mga panahong may kaunting sikat ng araw ngunit mahaba naman ang panahon ng malalakas na ulan o yelo. Dito karaniwang tumutubo ang mga halamang alpine at lumalaki ito ng mga 2,348 metro o mas mataas pa. Sa ganitong taas nakikita ang natutunaw na yelo kung gabi na kinagigiliwan naman ng tumutubong mga halamang ito. PAKSA: 5. May mga pagsasaliksik na nagpapakita na ang paliligo sa malamig na tubig o mula sa gripo ay lubhang makapagpapasigla sa iyong gawain sa araw-araw. Isinasaad din na malaki ang maitutulong nito sa intelektuwal na kaisipan ng mga mag-aaral na batay sa isiniwalat na pagsasaliksik ni Dr. Reed Carlton ng Australia. Tinalakay din niya ang patuloy na paliligo sa ganitong uri ng tubig ay makapagpapataas ng 15 puntos sa antas na intelektuwal ng isang mag- aaral. PAKSA:​