Answer:
Patakarang Pang-ekonomiya ng mga Espanyol
Sapilitang paggawa (polo y servicio)
Epekto: Nagtrabaho ang lahat ng lalaking edad 16 hanggang 60
Reaksyon ng mga Pilipino: Hindi makatarungan ang polo y servicio kaya naman marami ang ayaw dito
Sapilitang pagpapatira sa mga katutubo malayo mula sa kanilang orihinal na tirahan (reduccion)
Epekto: Dumami ang populasyon sa mga bayan
Reaksyon ng mga Pilipino: Ang ilan na hindi pabor sa reduccion ay lumipat sa bundok
Pagbabayad ng buwis o tributo ng mga katutubo
Epekto: Dumami ang nasingil na buwis ng mga Kastila
Reaksyon ng mga Pilipino: Naghirap lalo ang mga Pilipino dahil sa sapilitang pagbabayad ng buwis
Sapilitang pagbili ng mga Espanyol ng mga ani ng mga katutubo sa murang halaga (bandala)
Epekto: Nalugi ang mga magsasakang Pilipino
Reaksyon ng mga Pilipino: nagalit ang mga magsasakang Pilipino sa pang-aabusong ito ng mga Kastila
Kalakalang Galyon
Epekto: tumindi pa lalo ang ugnayan ng Mexico at Pilipinas, at maraming mga produkto mula sa New World ang inangkat sa ating bansa.
Reaksyon ng mga Pilipino: Ginamit nila ang mga bagong halaman mula sa New World kagaya ng kamatis, patatas, kamote, at cacao.
Explanation: