Sagot :
Answer:
Kahulugan: Ang pananaliksik ay isang prosesong intelektwal at pang-eksperimento na binubuo ng isang hanay ng mga pamamaraan na inilalapat sa isang sistematikong paraan, na may layuning imbestigahan ang isang bagay o paksa , pati na rin ang pagpapalawak o pagpapaunlad ng kanyang kaalaman, maging ng pang-agham, makatao, sosyal o teknolohikal na interes. .
Layunin:
1. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.
Nagbibigay ng bagong sigla at kasiyahan ang makatuklas ng bagong impormasyong hindi alam bago pagumawa ng pananaliksik.
2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.
Pwedeng tingnan ang isang ideya mula sa ibang anggulo, perspektiba at pananaw kaysa dati ng paraanng pagtingin ng iba rito.
3. Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu.
Maraming bagay ang pinagtatalunan, pinag-uusapan at pinagkakainteresansa komunidad, sa mgainstitusyon, at sa bansa.
4. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap o pinapalagay na totoo omakakatotohang ideya.
Ang ganitong paksa ng mga pananaliksik ay naghahamon sa mga tinatanggap at ipinapalagay na totoongideya at siyang interes ngayon ng mga mananaliksik. May malaking kahalagahan ang pananaliksik sa tao.
5. Magpapatunay na makakatotohanan o balido ang isang ideya, interpretasyon, paniniwala, palagayo pahayag.
Balido o totoo ang isang ideya kung ito'y mapapatunayan o mapasubalian ng mga makakatotohanangdatos.
6. Magbigay ng historikal na perpektiba para sa isang senaryo.
May mga ideyang makabuluhang tingnan o suriin sa hinahirap o kinabukasan nito. Ngunit sa pagtukoy atpagsusuri dito ay kailangan ang pananaliksik sa kasaysayan nito.
Kahalagahan:
1. Makadiskubre ng bagong kaalaman.
2. Maging solusyon sa suliranin.
3. Umunlad ang sariling kamalayan sa paligid. 4. Makita ang kabisaan ng ginagamit na pamamaraan estratehiya.
5. Mabatid ang lawak ng kaalaman sa isang partikular na bagay.
Nilalaman:
Nahahati ito sa sumusunod:
1. Panimula o Introduksyon - Isang maikling talataang tumatalakay sa pangkalahatang paksa ng pananaliksik.
2. Bakgrawnd ng Pag- aaral - Isang pagtukoy sa kaligiran ng paksang pinag- aaralan.
3. Theoretikal Framework - Inilalahad dito ang mga teoryang maaaring maiugnay sa ginagawang pag-aaral.
4. Konseptwal Framework -Sarili ng manunulat ito. Ano ang nabuong konsepto base sa kanyang pag-aaral.
5. Paglalahad ng Suliranin - inilalahad dito ang pangkalahatang suliranin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag- aaral. Inisa-isa rin ang mga ispesipikong suliranin na tutugunan ng pag-aaral.
6. Iskop at Delimitasyon ng pag-aaral - Inilalahad ang simula at hangganan ng pananaliksik. Anong mga varyabol ang kasama at di-kasama sa pananalikik. Sinisinsay rito ang parameter ng pag-aaral.
7. Kahalagahan ng Pag-aaral
8. Depinisyon ng Salitang Ginamit - Inililista rito ang mga salitang ginamit sa pag-aaral. May dalawang bagay na binibigyang-pansin sa pagbibigay ng kahulugan – una, maaring konseptwal ang kahulugang ibinibigay ayon sa istandard na definisyon o konsepto; ikalawa, opereysyunal ayonn sa pagkakagamit sa pag-aaral.
Explanation:
Kung nadadamihan ka sa sulatin, pwedeng di mo na isulat lahat^^