Panuto: Basahin ang "Ang Mabuting Samaritano". Pagkatapos, sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot iyong notebook. "May isang taong nanlalakbay buhat sa Jerusalem patungong Jericho. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siyay lumihis at nagpatuloy ng kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyang lakad. Ngunit my isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang hinarang at siya nahabag. Lumapit siya, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat nito at tinalian . Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay- panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan, dumukot siya dalawang denaryo, ibinigay sa may- ari ng bahay-panuluyan at sinabi, "Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik”

Gabay na tanong:
1. Nagustuhan mo ba ang parabula? 2. Ano ang nararamdaman mo habang binabasa ang parabula? Bakit?
3. Ano ang mensahe ng parabula na nais iparating sa iyo? Ipaliwanag.

paki answer report nonsense​