Gawain 2: Karapatan mo! Karapatan Nating Lahat! Panuto: Unawain ang mga iba't ibang karapatan ng mga manggagawa ayon sa ‘International Labor Organization' (ILO) sa unang kolum. Ipaliwanag ang kalagayan, at suliranin ng mga manggagawa batay sa mga nakikitang mong nangyayari ngayong kasalukuyan sa ikalawang kolum. Pagkatapos magsulat ng iyong saloobin bilang paglalahat sa Gawaing ito. Karapatan ng mga Manggagawa Ang aking paliwanag tungkol sa karapatan at kalagayan ng mga manggagawa 1. Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay 2. Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa trabaho. 3. Ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib. 4. Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwi'd mayroong minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.