ano ang kasingkahulugan ng malinis


Sagot :

Kasingkahulugan ng Malinis

Ang salitang malinis ay isang pang-uri. Ito ay binubuo ng unlaping ma- at salitang ugat na linis. Inilalarawan ng salitang ito ang tao, bagay, hayop o lugar na walang dumi, mantsa, kalat o kahit anumang sagabal. Sa Ingles, ito ay clean o neat. Ang kasingkahulugan ng malinis ay ang mga sumusunod:

  • dalisay
  • maaliwalas
  • busilak
  • maayos

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin ang sa pangungusap ang salitang malinis upang mas maintindihan ito. Narito ang ilang halimbawa:

  • (Dalisay) Malinis ang layunin ng bagong kapitan para sa kanyang komunidad.

  • (Maaliwalas) Laging malinis ang paligid ng aming paaralan dahil maaga palang ay nagwawalis na si Kuya Roger.

  • (Busilak) Tunay na malinis ang puso ni Angel Locsin dahil lagi siyang handang tumulong sa mga nangangailangan.

  • (Maayos) Pinapanatiling malinis ang silid-aklatan sa aming paaralan upang hindi mahirapan ang mga bata sa paghahanap ng libro.

Mga Salitang Magkasingkahulugan:

Ang mga salita na may parehong kahulugan o ibig sabihin ay tinatawag na magkasingkahulugan. Ito ay synonyms sa Ingles. Narito ang ilan pang halimbawa ng magkasingkahulugan:

  • masikip - makipot
  • matangkad - mataas
  • masarap - malinamnam
  • masaya - maligaya
  • mabait - mabuti
  • mabagal - makupad
  • mayaman - mapera
  • mataba - malusog
  • matalas - matalim
  • tama - wasto
  • marumi - marungis
  • maluwag - malawak

Halimbawa ng salitang magkasingkahulugan at magkasalungat:

https://brainly.ph/question/187873

#LearnWithBrainly