Answer:
Katangian na dapat taglayin ng isang mamimili sa pagtugon sa pagbabago sa mga salik ng demand
- Maging isang matalinong mamimili, unahin ang mga produkto at serbisyong mas kinakailangan para sa pang-araw-araw na buhay.
- Magaling magplano upang ang paggasta ng kita o pera ay hindi masayang.
- Sa pagbili ng produkto, maging masusi sa pagpili ng maayos na kalidad na produkto at swak sa budget na presyo.
Demand
Ang demand ay tumutukoy sa relasyon sa pagitan ng presyo at dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin sa tiyak na presyo sa isang partikular na pagkakataon.
Para sa bawat presyo, ang relasyon ng demand ang magsasabi ng dami na nais bilhin ng isang mamimili na may katumbas na halaga.
May tinatawag ding quantity demand o dami ng pangangailangan, ito ay ang dami ng gustong bilhin ng mga mamimili sa isang partikular na presyo
Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand
- kita ng mamimili
- panlasa o antas ng pagkagusto ng mamimili para sa produkto o serbisyo
- presyo ng mga kaugnay na produkto o serbisyo
- ekspektasyon o tinatantiyang presyo ng isang partikular na produkto
- populasyon
- okasyon
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa demand at supply, magtungo sa mga link na:
brainly.ph/question/446499
brainly.ph/question/2368629
#BetterWithBrainly