ANO ANG MGA NAIAMBAG NG KABIHASNANG INDUS AT PANAHONG VEDIC

Sagot :

Sewage system-May sewage system ang Mohenjo-Daro.Bukod dito,ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang sumasailalim sa tinatawag na urban o city planning o pagpaplanong panlungsod. Ang mga kalsada sa matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harrappa ay nakaayos na parang mga nagsasalubong na guhit o grid pattern.
Ramayana at Mahabharata- Dalawang epikong pamana ng India sa larangan ng panitikan.
Vedas-sagradong aklat ng mga Aryan.Binubuo ng Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda at Artarva veda. Ito ay tinipong himnong pandigma,mga sagradong ritwal,mga sawikain,at mga salaysay.