kasingkahulugan ng malugod

Sagot :

Ang mga kasingkahulugan ng salitang malugod ay masaya, maligaya, nagagalak, buong puso, at taos puso.

Ano ang kahulugan ng salitang malugod?

Ang salitang malugod ay mula sa salitang ugat na "lugod" na ang ibig sabihin ay saya, ligaya, tuwa, at galak.

Ito ay maaaring gamitin bilang isang pang-uri o salitang naglalarawan. Halimbawa ng paggamit nito sa pangungusap bilang pang-uri ay ang mga sumusunod:

  1. Ang mga Pilipino ay malugod sa pagdating ng tulong na mula sa United Nations.
  2. Napansin kong naging malugod ang aking alagang aso magmula nang magkaroon kami ng pusa.

Ito ay maaari ring gamitin bilang isang pang-abay, o salitang naglalarawan ng pandiwa. Halimbawa:

  1. Malugod kong tinanggap ang mga bisita sa aking tahanan.
  2. Malugod na binigay ni Pedro ang kanyang regalo para sa kanyang anak.

Tignan ang link na ito para sa ibang halimbawa ng paggamit ng salitang malugod:

https://brainly.ph/question/3342354

#SPJ5