Bakit mahalaga ang pakikipagkaibigan?

Sagot :

Answer:

Pakikipagkaibigan

Ang pakikipagkaibigan ay ang malalim na pakikipagugnayan sa kapwa. Ang pagkakaibigan ay nabubuo sa pamamagitan ng isang malalim na ugnayan ng dalawa o mahigit pang tao na hindi nakabatay sa kanilang mga katangian kundi sa mas malalim na aspekto ng kanilang pagkatao.  

Kahalagahan ng Pakikipagkaibigan

  • Isa itong paraan upang mapaunlad ang pakikipagkapwa-tao o ugnayan sa kapwa.
  • Isa rin itong paraan upang mapaunlad at mahubog ang ating interpersoal na talino.
  • Ang pakikipagkaibigan ay mahalaga upang makakilala tayo ng mga tao na maaring may magandang dulot sa atin, mga taong maari nating naituring na isang tunay na kaibigan.
  • Dito nagsisimula ang magandang samahan ng mga tao.
  • Sa pakikipagkaibigan sa kapwa nakakaramdam ka ng saya at galak at nararamdaman mong hindi ka nag-iisa.  
  • Naiiwas tayo sa kalungkutan na maari nating maramdaman.

Mabuting Epekto ng Pagkakaibigan

  • Nagkakaroon ng masasandalan at matatakbuhan sa mga oras ng pangangailangan.  
  • Nakatutulong sa atin upang mas mahubog pa ang ating pagkatao.  
  • Maari tayong makatagpo at maityuring na para nating totoong mga kapatid.
  • Nakakatulong sa ating pag-aaral, dahil maari tayong magtanong sa mga aralin na hindi natin lubos maunawaan.
  • May nasasabihan ng ating mga problema at nagpapagaan ng ating mga kalooban.
  • May nagbibigay ng pangaral kapag nakagagawa tayo ng kamalian.
  • Nakatutulong ang mga kaibigan upang maging isang mabuting tao.

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na nasa ibaba:

Kahalagahan ng Kaibigan: brainly.ph/question/985321

Kahalagahan ng Pagkakaibigan: brainly.ph/question/909286

#BetterWithBrainly