ano ang tunay at malalim na kahulugan ng pakikipagkaibigan

Sagot :

Pakikipagkaibigan:

Ang pakikipagkaibigan ay tumutukoy sa kagustuhan na magkaroon ng ugnayan sa isang tao bunga ng pagmamahal o pagpapahalaga para sa taong ito. Ito ay isang pasya o hakbangin na may malinaw na hangarin kaya naman ito ay dumadaan sa isang mahaba at mahirap na proseso. Ayon kay Aristotle, ang pakikipagkaibigan ay nagmumula sa pagmamahal ng mga taong malalim ang pagkakakilala sa kanyang pagkatao sa kanyang sariling pananaw at sa pananaw ng iba.

Ang pakikipagkaibigan ay nagsisimula sa isang malalim na ugnayan ng dalawa o higit pang tao na hindi nakadepende sa kanilang mga katangian kundi sa higit na malalim na aspekto ng kanilang pagkatao. Sapagkat ang tao ay isang panlipunang nilalang likas para sa kanya na maghanap ng isang kaibigan. Ang lahat ng malalim na pagkakaibigan ay nagsisimula sa isang simpleng koneksyong interpersonal.

Kahulugan ng Pakikipagkaibigan: https://brainly.ph/question/460289

Tatlong Uri ng Pakikipagkaibigan:

  • pakikipagkaibigan ayon sa pangangailangan
  • pakikipagkaibigan ayon sa sariling kasiyahan
  • pakikipagkaibigan ayon sa kabutihan

Ang pakikipagkaibigan ayon sa pangangailangan ay uri ng pakikipagkaibigan na ibinabahagi sa isang tao dahil sa pangangailangan sa taong ito. Kadalasan, ang ganitong uri ng pakikipagkaibigan ay hindi nagtatagal sapagkat kapag dumating ang panahon na hindi matugunan ng nilalaanan ang pangangailangan ng taong naglalaan ng pagkakaibigan ay magsisimula na itong lumayo ay humanap ng ibang makatutugon sa kaniyang pangangailangan.

Halimbawa:

  1. Ang pakikipagkaibigan sa isang kamag – aral na madalas gumawa ng takdang – aralin at magpakopya. At siya ring tumutulong sa paggawa ng proyekto mo.
  2. Ang pakikipagkaibigan sa isang katrabaho na madalas na sumasalo sa iyo kapag hindi ka nakakapasok o huli kang nakakarating sa takdang oras ng trabaho at tumatakip sa iyong mga katamaran at kapalpakan.

Ang pakikipagkaibigan ayon sa sariling kasiyahan ay uri ng pakikipagkaibigan na natatamo ng mga taong masarap at masayang kasama. Tulad ng sa naunang uri ng pakikipagkaibigan, ang uring ito ay hindi rin pangmatagalan sapagkat maaari itong maglaho sa oras na makita o matuklasan ang kahinaan ng taong naibigan bilang maging isang kaibigan o napawi na ang kaligayahang naidudulot niya bilang isang kaibigan.

Halimbawa:

  1. Ang pakikipagkaibigan na nabuo ng isang grupo ng mga manlalaro na masasaya at nalilibang sapagkat iisa ang kanilang mga interes at libangan.
  2. Ang pakikipagkaibigan na nabuo sa sugalan o inuman na kadalasan ay nagtatagal lamang ng ilang buwan.

Ang pakikipagkaibigan ayon sa kabutihan ay ang uri ng pakikipagkaibigan na binubuo ng paghanga o pagkagusto at paggalang sa isa’t isa. Sapagkat hindi ito agarang nabubuo at dumadaan sa mahabang proseso, ito ang pagkakaibigang pinakamakabuluhan sa lahat. Ito ay umuusbong sa oras na mapuna mo na pareho kayo ng interes, mga bagay na pinahahalagahan, at pananaw sa buhay.

Uri ng Pakikipagkaibigan: https://brainly.ph/question/2152347

Mabuting Naidudulot ng Pakikipagkaibigan:

  • mabuting pagtingin sa sarili
  • pagiging mabuting tagapakinig
  • nakikilala ang mabuti at di – mabuting kaibigan
  • natututong magpahalaga sa pakikipagkaibigan
  • pagkakaroon ng mga bagong pananaw at saloobin sa pakikipagkaibigan

Kahalagahan ng Pakikipagkaibigan: https://brainly.ph/question/237008

Mga Sangkap ng Pakikipagkaibigan:

  • kakayahang magtago ng lihim at katapatan
  • katapatan
  • pag - aalaga
  • paggawa ng mga bagay ng magkasama
  • pag – unawa sa isip at damdamin ng iba
  • presensiya

Ang kakayahang magtago ng lihim at pagiging tapat ay mahalaga upang matamo ang tiwala ng iba. Sa pamamagitan nito, nasusukat ang tunay na hangarin sa pakikipagkaibigan at ang kakayahan na maipagtanggol ang kaibigan sa lahat ng oras.

Ang katapatan ay naipapahayag sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga niloloob habang pinapanatiling pribado ang sariling buhay. Ang pagiging totoo sa kabila ng posibilidad na masaktan ang damdamin ng isa’t isa.

Ang pag – aalaga ay naipapakita sa pamamagitan ng pagtulong sa kaibigan upang siya ay umunlad o lumago. Ang pagtulong na siya ay makatayo sa sariling paa at hind imaging palaasa ay totoong palatandaan ng pag – aalaga.

Ang paggawa ng mga bagay na magkasama ay makabuluhan para sa pakikipagkaibigan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang paglalaro ng paboritong libangan, panonood ng mga pelikula, at pamamasyal sa mall at parke.

Ang pag – unawa sa isip at damdamin ng iba ay naipapakita sa pamamagitan ng paglalagay ng sarili sa sitwasyon ng iba. Kadalasan , madali para sa isang tao na magsalita hanggang hindi niya nararanasan ng taong tinutukoy o pinag – uusapan.

Ang presensiya ay pag – uukol ng panahon upang maipadama sa kaibigan na siya ay mahalaga.

Tandaan:

Ang mas makabuluhan at mas malalim na pakikipagkaibigan ay binubuo ng mga birtud at pagpapahalaga.  

Ang pagnanais ng mabuti para sa isang kaibigan at ng kaniyang kapakanan ang siyang pinakamataas na antas ng pakikipagkaibigan.

Ang mabuting pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paglago ng bawat isa.