Answer:
Ang salitang pagpapahayag ay nangangahulugan ng pagsasabi tungkol sa isang bagay. Ito ay maaring isang saloobin, pahayag, opinyon, o hindi kaya ay balita. Halimbawa, ang kabataan ngayon ay mahilig magpahayag ng kanilang saloobin sa social media. Ibig sabihin, sinasabi natin sa ibang tao ang mga bagay na nasa isipan natin o hindi kaya ay iyong mga nararamdaman natin.
Bakit kailangan ang pagpapahayag sa isang tao? Ang pagpapahayag ay nakatutulong sa atin upang maibahagi ang ating kaalaman at matulungan tayo sa ating nararamdaman. Kung tayo ay may opinyon o paniniwala, dapat lamang na ipahayag natin ito upang malaman ng ibang tao at matulungan natin ang ating sarili.
Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pagpapahayag
Ano ang kahulugan ng kahusayan sa pagpapahayag? https://brainly.ph/question/2743460
Ano ano ang kahulugan ng idyomatikong pagpapahayag? https://brainly.ph/question/221109
#LetsStudy