ang magagawa ko upang maipakita ang paggalang sa mga matatanda?

Sagot :

Pagmamano, pagbibigay ng mauupuan sa kanya kung wala ng mauupuan, tulungan sa pagtawid, paggamit ng po at opo:)
Ang mga matatanda ay ang mga taong nararapat nating igalang, marahil matanda na at maiksi nalang ang buhay na natitira dito sa ating mundo. Kaya bilang paggalang, marami tayong aksyon, kilos, at pananalita ang nagpapakita ng paggalang sa mga matatanda, lalo na sa ating mga lolo at lola.

Isa sa mga ito ay ang pagmamano sa mga matatanda, ito ay kung saan aabutin mo ang kamay ng isang matanda at ididikit sa noo. Isa itong ekspresyon o aksyon at palatandaan ng paggalang, pag-alala at pagmamahal sa isang matanda na matagal na namuhay sa mundong ibabaw. Maaari rin tayong gumamit ng po at opo, hindi po, ho at oho sa mga matatanda, isang palatandaan ng paggalang sa mga matatanda gamit ang paggamit ng mga paggalang na matatanda. 

Marami ang mga kilos at pananalitang magsisilbing palatandaan at nagpapakita ng paggalang sa mga matatanda, ngunit walang makakapantay sa pagbibigay ng respeto at pagmamahal sa mga matanda.

"Papunta ka pa lang, pabalik na ako" ika nga, at "kung gusto mong igalang at respetuhin, gumalang at rumespeto ka" ika nga. Isa lamang itong indikasyon, at quota na nagsasaad na kung anong ginawa mo sa iba ay babalik sa'yo, ang paggalang ay nasusuklian ng paggalang, at ang respeto ay nasusuklian ng respeto, at lahat ng bagay na ginawa, ginagawa, at gagawin ay maaaring magkaroon ng ganti, o isang magandang balik ngunit lahat ng ito ay nakadepende sa kung paano ginawa o paano ginagawa ang isang bagay. "Walang bolang binato ang hindi tumalbog" ika nga. 

"Show respect, and you will see it"