Tunggalian ng matanda at ang dagat







Sagot :

Ang nagging tunggalian sa kwentong ang matanda at ang dagat

Nagsimula ang tunggalian sa kwentong ito ng makahuli ang matandang mangingisda na si Santiago ng isang Marlin, Ipinagtanggol niya ang isda sa mga pating na gustong kumain sa mga ito. Ang unang pating na napatay niya sa pamamagitan ng pagsalaksak niya ng salapang sa ulo nito at ang natamaan ay ang parte ng utak nito na siyang ikinamatay ng pating. At ang dalawang pating na sumalakay sa kanila para sagpangin ulit ang marlin ay napatay niya sa pag ulos niya ng lanseta na itinali niya sa sagwan. Bagamat sa kabila ng katandaan ni Santiago ay nagawa parin niyang magapi ang mga pating na sumalakay sa kanila. Dahil siya ay isang matandang matatag at laging handa sa mga pagsubok na maari pang dumating sa kanya.  

Buksan para sa karagdagang kaalaman.

Ang matanda at ang dagat buod https://brainly.ph/question/435345

Reaksyon sa matanda at ang dagat https://brainly.ph/question/276179

Banghay ng matanda at ang dagat https://brainly.ph/question/443525