Sagot :
Answer:
Mga katangian ni Julia sa kwentong “Walang Sugat” ni Severino Reyes
- mapagmahal na anak
- masunurin
- mapagpakumbaba
- masipag
- mabuti at mabait na anak
Buod
Habang si Juli ay nagbuburda, nakaharap sa kanya si Tenyong nang biglang dumating ang kaibigan nitong si Lucaas. Ayon kay Lucas, nadakip ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo dahil sa napagkamalan itong isang tulisan. Kaya't ninais ni Tenyong na ipaghiganti ito kahit tutol dito ang kanyang kasintahan na si Julia at ang kanyang ina na si Kapitana Puten.
Ngunit wala silang nagawa at itinuloy ni Tenyong ang kanyang planong paghihiganti. Ito ang naging dahilan ng pagkakalayo nina Julia at Tenyong. Nang sila ay magkahiwalay, may dumating na isang mayamang manliligaw kay Julia na nagngangalang Miguel. Sinagot ito ni Julia at nagpasyang sila ay magpakasal. Upang ipaalam kay Tenyong ang mangyayaring kasal, nagpadala si Julia ng sulat kay Lucas, ngunit hindi ito nasagot ni Tenyong dahil may nangyayaring labanan at ibinilin na lamang na dadalo na lamang siya sa araw ng kasal ni Julia.
Sa pag-aakalang ni Julia na patay na sa Tenyong, kahit labag sa kanyang kalooban ay pumayag na siyang magpakasal kay Miguel. Sa mismong araw ng kanilang kasal, dumating si Tenyong sa simbahan na duguan at parang malapit ng mamatay kaya pinatawag ang kura upang makapangumpisal ito.
Bilang huling kahilingan, sinabi ni Tenyong na gusto niyang makasal kay Julia, pumayag naman dito si Tadeo ang ama ni Miguel at ang si Juana ang ina naman ni Julia dahil sa ooag-aakalang mamamatay na nga ito.
Ngunit nagulat ang lahat ng biglang bumangon si Tenyong at nagsigawan ang mga tao na "Walang sugat!". Nilinlang lang pala ni Tenyong ang lahat ng tao sa loob ng simbahan upang siya ang makasal sa dating kasintahan na si Julia.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa mga link na:
brainly.ph/question/1000637
#BetterWithBrainly