Ang kabihasnang Greek ay ang una sa napatanyag na kabihasnang klasika. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Timog Silangang Europe. Mabundok ang Greece kung kaya ang nabuong kabihasnan nito ay pawang watak watak na mga lungsod-estado o city state. Ang klima ng Greece ay angkop sa pagtatanim ng ubas, olive, trigo, at barley. Liko-liko ang baybaying-dagat ng Greece at marami itong magagandang daungan.