Sagot :
Answer:
Ang Bulkang Taal ay matatagpuan sa rehiyon IV-A o ang CaLaBaRZon na binubuo ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Makikita ito sa Lawa ng Taal, sa lalawigan ng Batangas. Mayroon itong taas na 984 talampakan at naglalaman ng isang maliit na bunganga na pinangalanang Lawang Dilaw.
Explanation:
Katangian ng Bulkang Taal
Ang Bulkang Taal ay isa sa mga pinaka-aktibo at delikadong bulkan sa Pilipinas. May anim na pagsabog ang naitala mula sa Bulkang Taal na kumitil sa maraming buhay, nagbuga ng maraming lava at nagresulta sa maraming tsunami sa lawa.
Alamin kung ano ang Tsunami: https://brainly.ph/question/1799134
Pagsabog ng Bulkang Taal
Ang pinakamaraming buhay na nawala sa mga pagsabog ng Bulkang Taal ay ang pagsabog noong 1911 kung saan 1,334 katao ang nasawi at kung saan nagkaroon ng ash fall na nakarating hanggang Metro Manila. Dineklara ang Bulkang Taal bilang isa sa mga “Decade Volcanoes.” Masusing binabantayan ang bawat pagkilos ng Bulkang Taal.
Narito ang mga taon na may naitalang pagsabog ng Bulkang Taal sa loob ng ika-19 na siglo:
- 1977
- 1976
- 1970
- 1969
- 1968
- 1967
- 1965
- 1911
- 1904
- 1903
Turismo sa Bulkang Taal
Sa kabila ng nakaambang panganib ng paglapit sa Bulkan ng Taal, dinarayo pa rin ang lawa nito ng libo-libong turista sa bawat taon. Isa na rin ito sa mga tourist attractions sa Luzon. Maraming mga ahensya ang nag-aalok na libutin at puntahan ang bulkan.
Magbasa pa tungkol sa rehiyon ng CaLaBaRZon: https://brainly.ph/question/816763
Magbasa pa tungkol sa bulkan: https://brainly.ph/question/423179