Ano ang kahulugan ng pananagutan?

Sagot :

Ang kahulugan ng pananagutan ay responsibilidad na kailangang gawin ng isang tao, institusyon o grupo. Ang pananagutan, kapag hindi ginawa, ay may karampatang mga resulta na karaniwa'y negatibo. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa kahulugan ng pananagutan ay narito.

I. Ano ang kahulugan ng pananagutan?

  • Ang pananagutan ay nangangahulugang responsibilidad, tungkulin o obligasyon.
  • Ito ay kinakailangang gawin ng isang tao, institusyon o grupo.
  • Kapag hindi nagampanan ang isang pananagutan, karaniwa'y may mga negatibong epekto ito dahil sa hindi paggawa ng responsibilidad.

II. Halimbawa ng pananagutan

Narito ang mga halimbawa ng mga pananagutan:

  • Pananagutan ng mga mamamayan ang panatilihin ang ganda ng mga likas na yaman sa mundo.
  • Pananagutan ng pamilya at mga magulang ang hubugin ang kanilang mga anak upang magkaroon sila ng magandang asal.
  • Pananagutan ng simbahan na hikayatin ang mga kasapi na magkaroon ng mabuting kilos at prinsipyo.
  • Pananagutan ng pamahalaan ang gamitin nang maayos at makabuluhan ang buwis na nagmula sa mga mamamayan.

Iyan ang mga detalye tungkol sa kahulugan ng pananagutan. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.

Iba pang kahulugan ng pananagutan: https://brainly.ph/question/233883, https://brainly.ph/question/434364 at https://brainly.ph/question/864655