Sagot :
"Ang Hatol ng Kuneho" ay isang pabula na mula sa Korea at isinalin ni Vilma C. Ambat sa wikang Tagalog. Ito ay kwento tungkol sa utang na loob at matalinong paggawa ng desisyon. Isinasabuhay ng mga sumusunod na tauhan ang kwentong ito.
- Tigre - ang unang hayop na nabanggit sa kwento. Siya ay naglalakad at naghahanap ng pagkain sa kagubatan nang biglang nahulog sa isang malalim na hukay. nanatili siya sa hukay ng isang araw hanggang sa nakarinig siya ng mga yabag ng tao.
Katangian - gutom at desperado at hindi marunong tumupad sa usapan
- Lalaki- ang pangalawang tauhan sa pabula. Siya ang nakakita sa tigreng nasa hukay at hinginan ng tulong ng tigre. Sinaklolohan niya ang tigre gamit ang isang troso upang matulungang makalabas sa hukay.
Katangian - naguguluhan ngunit mas pinili pa rin niyang maging matulungin
- Puno ng Pino - siya ang unang hiningan ng payo at tulong ng lalaki nang muntik na siyang salakayin at kainin ng gutom na tigre. Pinayo niyang kainin ng tigre ang tao.
Katangian - kapakipakinabang sa tao subalit masidhi ang hinanakit sa tao dahil sa paggamit ng tao sa kahoy upang mabuhay
- Baka - pangalawang hiningan ng tulong ng tao ukol sa kanyang suliranin. Para sa kanya, mas mainam na kainin ng tigre ang tao
Katangian - kapakipakinabang din sa tao dahil sa pag-aaaro nila sa bukid ngunit galit din sa tao dahil sa kinakain sila ng tao kapag sila ay tumatanda na.
- Kuneho - siya ang huling humatol sa suliranin ng lalaki at tigre. Gumawa siya ng paraan upang malunasan ang problema sa pamamagitan ng pagpapatalon ng desperadong tigre pabalik sa malalim na hukay
Katangian - tuso, makatarungan at lohikal mag-isip
Para sa karagdarang kaalaman at impormasyon ukol sa kwento, maaaring tunguhin ang mga links na ito:
https://brainly.ph/question/62530
https://brainly.ph/question/51357
https://brainly.ph/question/994609