Ano ang kahulugan ng Lantay,Pahambing,Pasukdol?

Sagot :

Kaantasan ng Pang - uri:

  • lantay
  • pahambing
  • pasukdol

Ang lantay ay tumutukoy sa kaantasan ng pang - uri na hindi naghahambing.

Mga  Halimbawa:

  1. Maganda ang bahay - bakasyunan nila sa Tagaytay, City.
  2. Ang kanyang suot na damit ay maganda.
  3. Ang kanyang mga kaibigan ay masasayahin.

Ang pahambing ay ang ikalawang kaantasan ng pang - uri. Ang kaantasang ito ay naghahambing ng dalawa o higit pang pangngalan.

Mga Halimbawa:

  1. Si Ana ay mas matangkad kaysa kay Nina.
  2. Mas malaki ang bilang ng mga babae sa aming klase kaysa sa bilang ng mga kalalakihan.
  3. Mas maraming prutas ang mabibili mo sa halagang isang libong piso sa Divisoria kaysa sa supermarket.

Ang pasukdol ay kaantasan ng pang - uri na nagpapahayag ng pangingibabaw.

Mga Halimbawa:

  1. Si Eloisa ang pinakamasipag sa gawaing - bahay sa mga magkakapatid.
  2. Si Gng. Tollosa ang pinakambuting guro ng mababang paaralan ng Angono, Rizal.
  3. Si Scottie Thompson ang pinakamaliksi sa lahat ng manlalaro ng koponan ng Ginebra.

Kaantasan ng Pang - uri: https://brainly.ph/question/70151

Halimbawa ng Pahambing: https://brainly.ph/question/145004

Kahulugan ng Pang - uri: https://brainly.ph/question/1857553