Ang pangngalang pambalana ay isang parte ng wika na tumutukoy sa pangkalahatang pangngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Sa ingles, ang pangngalang pambalana ay kilala bilang common noun. Palaging nagsisimula sa maliit na titik ang pagsulat ng pangngalang pambalana.
Sa kabilang banda, ang dalawang uri ng pambalana ay ang di-konkreto at konkreto. Ang halimbawa ng di-konkreto, mga pangngalang abstrato at di nahahawakan, ay:
1. Damdamin
2. Araw
Ang konkreto naman ay ang mga nahahawakan:
1. Aso
2. Telepono