Sagot :
Si Dilma Rousseff ay isang ekonomista at kabilang sa politiko ng Brazil. Masasabing nagsilbi siya bilang ika 36 na pangulo ng Brazil. Siya rin ang pinaka unang pangulo na babae.
Ang kanyang buong pangalan ay Dilma Vana Rousseff. Ipinanganak siya noong Disyembre 14, 1947 sa Belo Horizante, Brazil. Ang kanyang ama ay isang abogado na orihinal na nakatira sa Bulgaria ngunit lumipat at nanirahan sa Brazil. Ang kanyang ina naman ay isang guro.
Nung mga panahon na tinedyer pa si Dilma Rousseff naging parte siya ng oposisyon ng gobyerno simula ng nawala sa pwesto ang presidente ng Brazil taon 1964. Si Dilma Rouseff ay naging kabilang ng militanteng grupo na National Liberation Command at doon ay kinasal siya sa kapwa aktibista na si Claudio Galeno Linhares taon 1968. Sa taong 1981, nagkahiwalay na sila ng kanyang asawa na si Claudio Galeno Linhares.
Siya ay lumipat sa Sao Paulo, Brazil taong 1970 at doon siya ay nahuli ng gobyerno at nakulong siya ng tatlong taon. Nakalaya siya pagkatapos ng tatlong taon at doon niya tinuloy ang kanyang pag-aaral. Nagtapos siya ng kursong ekonomiya sa Universidade Federal do Rio Grande do Sul in Porto Alegre taong 1977. Nang humihina ang diktadorya ng bansa, doon siya naging aktibo sa politika.
Taon 1986, siya ay hinirang bilang finance secretary ng Porto Alegre. Umalis siya sa posisyon noong taon 1988. Pagkatapos ng dalawang taon siya naman ay naging presidente ng Foundation of Economics and Statistics ng estado ng Rio Grande do Sul.
Taon 1993, bumalik siya ng gobyerno at naging secretary of mines and energy, and communications sa estado ng Rio Grande do Sul. Doon ay napataas niya ang pagtitipid ng pag gamit ng enerhiya at kuryente ng estado.
Iniwan niya ang posisyon taon 1994 dahil pinursigi niya ang pagaaral ng pagiging doktor ng pilosopiya ng economics. Bago niya nakuha ang kanyang diploma ay tinawagan muli siya ng dating pamahalaan at doon ay naging kaakibat niya ng Luiz Inacio Lula da Silva’s Worker’s party taon 1999.
Taong 2002, iniwan niya ang gobyerno at nagsilbi siya na tauhan sa Lula’s successful presidential campaign.
Taong 2003, itinakda siya ni Lula bilang ministro ng mines and energy at naging taga pangulo ng Brazilian state-run oil.
Taong 2005, itinakda siya ni Lula bilang chief of staff. Habang papatapos na ang termino ni Lula ay sinimulan na nito ang pag gabay kay Dilma Rousseff upang siya ang maging kahalili niya sa posisyon.
Siya ay naging presidente taon 2011.
Narito ang ibang mga links na maaaring makatulong sa tanong na ito:
- https://brainly.ph/question/221284
- https://brainly.ph/question/928214
- https://brainly.ph/question/844140