sa tatlong uri ng kilos na maituturing na makatao, alin ang karapat dapat panagutan?bakit?

Sagot :

Makataong Kilos:

Sagot:

Sa tatlong uri ng kilos na itinuturing na makatao, ang kusang loob ang karapat – dapat na panagutan sapagkat ang kusang loob ay tumutukoy sa mga kilos na may kaalaman at pagsang – ayon. Ang taong gumagawa ng kilos ay may ganap na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kanyang mga ginagawa. Ang kilos na ito ay ginamitan ng isip at kilos – loob.

Iba Pang Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan:

  • di kusang – loob
  • walang kusang loob

Ang di – kusang – loob ay tumutukoy sa paggamit ng kaalaman ng tao ngunit walang pagsang – ayon. Ito ay makikita sa kilos na hindi isinasakatuparan sa kabila ng pagkakaroon ng kaalaman sa gawain na dapat matapos o maisakatuparan.

Ang walang kusang – loob ay ang kawalan ng tao ng kaalaman kaya naman walang pagsang – ayon sa kanyang kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya walang pagkukusa.

Kahulugan ng Mapanagutang Kilos: https://brainly.ph/question/851351

Makataong Kilos:

Ang makataong kilos ay tumutukoy sa kilos na isinasagawa ng tao ng may kaalaman, kusa, at malaya. Ang makataong kilos ay bunga ng kaalaman, nilapatan ng isip at kilos – loob kaya naman may kapanagutan sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag na kilos na kinusa, niloob, o sinadya dahil isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay mapanagutan o responsable.

Kahulugan ng Makataong Kilos: https://brainly.ph/question/210991

Mapanagutang Kilos:

Ang isang kilos ay mapanagutan kung ang hindi pagtuloy sa pagsasagawa ng kilos ay may masamang mangyayari. Sa ganitong pagkakataon, dapat piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan at ito ay ang kabutihan sa sarili at sa iba patungo sa pinakamataas na layunin. Ang makatao at mapanagutang kilos ay gumagamit ng isip, kilos – loob, at may pagkukusa.

Karagdagang Kaalaman:

  • Ang pananagutan ay tumutukoy sa mga responsibilidad o tungkulin na kailangang gawin ng isang tao, grupo, o institusyon. Bawat tao ay may pananagutan. Ang mga magulang ay may pananagutan sa kanilang mga anak at ang mga anak ay may pananagutan din sa loob ng tahanan. Ang hindi pagtupad sa mga tungkuln ay nagdudulot ng away at pagtatalo – talo.
  • Sang – ayon kay Aristoteles, ang kilos ng isang tao ay hindi agad nasasabing mabuti o masama. Ang layunin sa paggawa ng kilos na ito ang siyang magpapasiya kung ito ay mabuti o masama.
  • Ang lahat ng bagay ay may likas na dahilan o layunin. Sa madaling salita, ang lahat n gating ginagawa ay may dahilan.
  • Ang kabutihan ay nababasa ng isip na nagdudulot ng pagkukusa sa kilos – loob na abutin o gawin tungo sa pagiging ganap at pagkakaroon ng pansariling kabutihan.  
  • Ang pansariling kabutihan ang syang pinakamataas na uri ng pagbabalik – loob sa Diyos na siyang lumikha sa tao.
  • Dapat piliin ng tao ang pinakamataas na uri ng kabutihan – ang kabutihang pansarili at ng iba upang maabot ang pinakamataas na layunin.
  • May mga obligasyon na kung hindi isasakatuparan ay may magkakaroon ng masamang bunga tulad na lamang ng pagaaral ng mabuti, pagtawid sa tamang tawiran, pagbabayad ng buwis, pag – iingat sa pagmamaneho at pagsunod sa mga batas trapiko at tamang ugaliin sa pagmamaneho, pagtigil sa paninigarilyo. Ang lahat ng mga kilos na nabanggit ay hindi lamang nagbubunga ng hindi maganda sa may katawan ngunit maging sa mga taong may kaugnayan sa kanya tulad ng kanyang pamilya, kamag – aral, katrabaho, at mga kaibigan.

Halimbawa ng Mapanagutang Pagkilos: https://brainly.ph/question/222867