ano ang kahulugan ng salitang /SA:ka/ at /sa:KA/

Sagot :

Ang kahulugan ng salitang /SA:ka/ at /sa:KA/ ay magkaiba. Ang dalawang salita ay magkaiba dahil sa konsepto ng diin. Ang /SA:ka/ ay isang salita na tumutukoy sa kilos na kaugnay ng pagtatanim sa bukid. Sa kabilang banda, ang /sa:KA/ naman ay isang salita na ginagamit sa pagdadagdag ng impormasyon o detalye tungkol sa isang paksa.

Kahulugan ng salitang /SA:ka/ at /sa:KA/

Narito ang kahulugan ng salitang /SA:ka/ at /sa:KA/.

  1. /SA:ka/ - tumutukoy sa kilos na kaugnay ng pagtatanim sa bukid
  2. /sa:KA/ - ginagamit sa pagdadagdag ng impormasyon o detalye tungkol sa isang paksa

Halimbawang Pangungusap gamit ang mga salitang /SA:ka/ at /sa:KA/

  1. /SA:ka/ - Ang mga kalabaw ay tumutulong upang magsaka ng bigas at iba pang mga pananim.
  2. /sa:KA/ - Si Jamila ay mahilig sumayaw saka kumanta.

Kahulugan ng Diin

  • Ang dalawang salita ay magkaiba dahil sa konsepto ng diin.
  • Ang diin ay ang antas ng lakas ng pagbigkas ng partikular na bahagi ng salita.
  • Sa halimbawa sa itaas, ang diin sa salitang /SA:ka/ ay nasa bahaging "SA" at ang diin naman sa salitang /sa:KA/ ay nasa bahaging "KA".

Iyan ang kahulugan ng salitang /SA:ka/ at /sa:KA/. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong basahin:

  • Ano ang ibig sabihin ng tono, diin, haba? https://brainly.ph/question/271692   at https://brainly.ph/question/1136633
  • 10 halimbawa ng haba at diin: https://brainly.ph/question/1968795