saan nagsimula ang kabihasnang minoan

Sagot :

Ang kabihasnang Minoe o sibilisasyong Minoano ay isang dating kabihasnan sa pulo ng Creta na nagsimula noong Panahon ng Pulang Tanso. Umiiral ito mula noong mga 2700 BK. Tumagal ito magpahanggang mga 1450 BK, bago napalitan ng kalingang-miseneo. Hindi naman talaga nalalaman ng mga dalubhasa kung ano ang tawag ng mga Minoe o Minoano para sa kanilang mga sarili, sapagkat nagmula lamang kay Sir Arthur Evans, ang kapangalanang Minoan, na ibinatay mula sa maalamat o mitikong nilalang na si Haring Minus. Muling natuklasan ang kalinangang Minoe sa pagsisimula ng ika-20 daangtaon sa pamamagitan ng pangunguna ni Evans, isang Britaniko arkeologo. Noong 1939, inilarawan ito ni Will Durant bilang "ang unang ugnay sa loob ng tanikalang Europeo.