kahulugan ng pakatimbangin

Sagot :

Ang katagang pakatimbangin ay tumutukoy sa isang gawain kung saan nagbibigay ng gabay o utos ang nagsasalita sa tumatanggap ng pangungusap upang (a) literal na magsukat ng timbang ng isang bagay o (b) ibayong pag-isipan ang mga desisyon na gagawin kung ito ay tama o mali.

 

Halimbawang pangungusap:

 

a.   Pakatimbangin mo na iyang mga isda at karne ng malaman na natin kung gaano kabigat lahat iyan.

b.    Bago ka pumili sa kanilang dalawa hija, pakatimbangin mo muna ang kanilang mga ugali at kalidad ng pamumuhay.