Sagot :
Answer:
boss pa brainlest po boss salamat po boss
Explanation:
Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa Pilipinas. Isang panalangin ang bulong na binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari sa buhay na maaaring magtadhana ng kapalaran. Binubuo ng ilang taludtod at ginamit upang hingan ng paumanhin ang mga lamang-lupa. tulad n9 duwende at espmtung hmdi nakikita.
Ito'y ginagamit bilang pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga bagay o pack tulad ng puno ng balete, sapa at ilog, punso at iba pang pinaniniwalaang tirahan ng mga lamang-Iupa, maligno at iba pang makapangyarihang espiritu hindi sila magalit at manakit. Bukambibig ng matatanda ang nasabing bulong lalo na sa mga lalawigan. ltinuturo nila ito sa kanilang mga anak upang hindi mapahamak o bigyan ng sakit o paglaruan ng mga maligno.
May mga bulong ding inuusal sa panggagamot tulad ng ginagawa
ng isang magtatawas sa napaglaruan ng lamang-Iupa o namamaligno o kaya'y sa mga nakukulam.
Ito'y ginagamit ding pananggalang sa Iahat ng Iihim na kaaway, gayundin kapag ang isang tao ay nadudulutan ng sama ng Ioob ng kapuwa. Sa ganitong layon ng paggamit ng bulong, hindi maganda ang idinudulot nito sa taong pinaggamitan nito.
Ginagamit ding pansumpa ang mga bulong. Ang ganitong mga bulong ay hindi madaling malaman. ito‘y Iihim na karunungan na isinasalin o itinuturo lamang sa mga napipili at karapat-dapat sapagkat kung hindi marunong gumamit ang napagsalinan, ito'y nawawalan ng bisa at ang nagsalin ay napapasama.
Mga Halimbawa ng Bulong
1. Tabi, tabi po, ingkong.
2. Makikiraan po.
3. Mano po.
4. Paabot po.
5. Paalam.
6. Ingat lagi.
7. Tabi tabi po apo, alisin mo po ang sakit ng pamilya ko
8. Lumayo kayo, umalis kayo, at baka mabangga kayo
9. Huwang kayong maiinggit, nang hindi kayo magipit
10. Pagaling ka, amang, mahirap ang may karamdaman
11. Lumakas-sana sana ang ulan, upang mabasa ang lupang tigang.
12. Huwag mananakit nang di ka rin mamilipit
13. Huwag manununtok nang di ka rin masapok
14. Ingat po sa biyahe.
15. Pakabait ka