Sagot :
Answer:
Ang salitang ugat ng karimlan ay dilim.
Explanation:
Panlapi at Salitang Ugat
Ang salitang karimlan ay binubuo ng mga panlapi at salitang ugat. Ang karimlan ay ibang anyo ng salitang kadiliman.
- salitang ugat - dilim
- unlapi - ka-
- hulapi - -an
Ang ibig sabihin ng karimlan ay kawalan ng liwanag o kawalan ng pag-asa. Sa Ingles, ito ay darkness.
Pangungusap Gamit ang Salitang "Karimlan"
Naglaro sa karimlan ang mga batang paslit.
Naniniwala ang nakararami na laging mayroong liwanag sa likod ng karimlan.
Ang unos na dumating ay nagdulot ng karimlan sa mga tao sa bayan.
Ano ang panlapi at salitang ugat?
Panlapi
Ang panlapi ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang ugat upang makabuo ng isang salita.
Mga Uri ng Panlapi
May tatlong uri ng panlapi:
- Unlapi - Ito ay inilalagay sa unahan ng salitang ugat.
Halimbawa:
mag- (maglaba, maglinis, magtago)
pa- (paalis, pabili, pakita)
nag- (nagluto, nagbihis, nagsayaw)
ma- (maligo, malambot, matuto)
- Gitlapi - Ito ay nakalagay sa loob o gitna ng salitang ugat.
Halimbawa:
um (kumain, sumali, tumawa)
in (tinabi, hinati, sinalin)
- Hulapi - Ito naman ay nilalagay sa hulihan ng salitang ugat.
Halimbawa:
-an (sulatan, kuhaan, sabihan)
-in (pilitin, buhatin, sungkitin)
Salitang Ugat
Ang salitang ugat ay isang salita na walang dagdag. Ito ay salitang buo ang kaniyang kilos. Sa Ingles, ito ay root word.
Halimbawa:
- takbo
- lakad
- tingin
- hingi
- kuha
- basa
- lakad
- sulat
- kain
- kopya
- linis
- tahi
- bangon
- ligo
- higa
- bihis
- hugas
- tawa
- nood
- kanta
Para sa mga halimbawa ng salitang ugat na ginamitan ng panlapi, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/213564
https://brainly.ph/question/172114
#LetsStudy