Sagot :
Si Pangulong Manuel L. Quezon ang namahala ng Pamahalaang Komonwelt. Ang ilan sa mga naiambag ni Manuel L. Quezon ay ang pagtatatag ng pambansang wika, pagkakaroon ng Women's Suffrage Act, pagkakaroon ng kalayaang panloob at National Defense Act. Bukod dito, napasigla rin niya ang ekonomiya sa pamamagitan ng Minimum Wage Law, Eight-Hour Labor Law at Tenant Act. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa mga naiambag ni Manuel L. Quezon ay nasa ibaba.
Mga Detalye Tungkol sa mga Naiambag ni Manuel L. Quezon sa Ilalim ng Pamahalaang Komonwelt
- Si Manuel L. Quezon ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa" dahil sa ilalim ng kanyang pamamahala, nakapagtatag ng pambansang wika sa Pilipinas. Ito ay dahil na rin sa pagbuo ng pamahalaan ng Surian ng Wikang Pambansa na responsable sa pag-aaral ng pagkakaroon ng pambansang wika.
- Sa ilalim din ng pamamahala niya, naitatag ang Women's Suffrage Act na nagbigay ng pantay na karapatan sa mga kababaihan na bumoto at tumakbo para sa pampublikong posisyon.
- Dahil din kay Manuel L. Quezon, nagkaroon ng kalayaang panloob at napatibay ang National Defense Act. Sa ilalim ng National Defense Act, bumuo ng hukbong sandatahan ang Pilipinas para masigurado ang seguridad sa bansa.
- Sa ilalim din ng Pamahalaang Komonwelt, sumigla ang ekonomiya at paggawa dahil sa Minimum Wage Law, Eight-Hour Labor Law, Tenant Act, at iba pang mga batas at alituntunin.
Iyan ang mga naiambag ni Manuel L. Quezon.
Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.
Mga naiambag ni Manuel L. Quezon:
https://brainly.ph/question/839383
https://brainly.ph/question/526265
Iba pang detalye tungkol kay Manuel L. Quezon:
https://brainly.ph/question/442666