Sagot :
answer:
Ang transportasyon sa Pilipinas ay hindi pa gaanong maunlad, dahil sa mga sumusunod na dahilan: mga buludunduking lugar sa bansa at mga nakakalat na mga pulo, at ang patuloy na hindi paglalaan ng pondo ng pamahalaan sa mga imprastrakturang pantransportasyon ng bansa. Subalit sa mga nakalipas na taon, ang pamahalaan ay sumisikap upang maipaganda ang sistema ng transportasyon sa bansa sa pamamagitan ng mga iba't-ibang proyektong pang-imprastrasktura.
Mula itaas, kaliwa-pakanan: Daang Maharlika sa Barangay Cutcot, Pulilan, Bulacan; Isang dyipni at bus sa Maynila; Isang nakahintong tren ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) sa estasyong Sucat; Isang bangka sa Basey, Samar; Cataraman ferry ng 2GO Travel sa Ilog Iloilo, Lungsod ng Iloilo, papuntang Bacolod; Isang eroplano ng Cebu Pacific sa Paliparang Pandaigdig ng Mactan–Cebu; Mga traysikel sa Boac, Marinduque; Isang kalesa sa Maynila
Mula itaas, kaliwa-pakanan: Daang Maharlika sa Barangay Cutcot, Pulilan, Bulacan; Isang dyipni at bus sa Maynila; Isang nakahintong tren ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) sa estasyong Sucat; Isang bangka sa Basey, Samar; Cataraman ferry ng 2GO Travel sa Ilog Iloilo, Lungsod ng Iloilo, papuntang Bacolod; Isang eroplano ng Cebu Pacific sa Paliparang Pandaigdig ng Mactan–Cebu; Mga traysikel sa Boac, Marinduque; Isang kalesa sa MaynilaAng mga dyipni ay pinakatampok na anyo ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas, at naging simbolo ang mga ito ng kultura ng bansa.Isa pang tampok na anyo ng pampublikong transportasyon ay ang de-motor na traysikel; mas-pangkaraniwan ang mga ito sa mga pook-rural.Sa mga nakalipas na taon, nagiging tampok na anyo ng pampublikong transportasyon ang mga daambakal sa bansa, lalo na sa maabalang kalakhan ng Kamaynilaan. May tatlong pangunahing sistema ng daambakal sa Pilipinas: ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila na binubuo ng Linya 1 at Linya 2, ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila na binubuo ng Linya 3, at ang Pambansang Daambakal ng Pilipinas (o PNR). Ang dalawang sistema na unang binanggit ay nagsisilbi lamang sa Kamaynilaan, samantala ang PNR ay sumisilbi sa Kamaynilaan at sa ilang bahagi ng Luzon. Mayroon ding mga lokomotorang singaw (steam engines) na matatagpuan sa Kabisayaan na gumagana sa mga gilingan ng tubo tulad ng Central Azucarera. Ang mga taksi at bus ay mga mahalaga ring anyo ng pampublikong transportasyon sa mga pook-urban ng bansa.
Mula itaas, kaliwa-pakanan: Daang Maharlika sa Barangay Cutcot, Pulilan, Bulacan; Isang dyipni at bus sa Maynila; Isang nakahintong tren ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) sa estasyong Sucat; Isang bangka sa Basey, Samar; Cataraman ferry ng 2GO Travel sa Ilog Iloilo, Lungsod ng Iloilo, papuntang Bacolod; Isang eroplano ng Cebu Pacific sa Paliparang Pandaigdig ng Mactan–Cebu; Mga traysikel sa Boac, Marinduque; Isang kalesa sa MaynilaAng mga dyipni ay pinakatampok na anyo ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas, at naging simbolo ang mga ito ng kultura ng bansa.Isa pang tampok na anyo ng pampublikong transportasyon ay ang de-motor na traysikel; mas-pangkaraniwan ang mga ito sa mga pook-rural.Sa mga nakalipas na taon, nagiging tampok na anyo ng pampublikong transportasyon ang mga daambakal sa bansa, lalo na sa maabalang kalakhan ng Kamaynilaan. May tatlong pangunahing sistema ng daambakal sa Pilipinas: ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila na binubuo ng Linya 1 at Linya 2, ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila na binubuo ng Linya 3, at ang Pambansang Daambakal ng Pilipinas (o PNR). Ang dalawang sistema na unang binanggit ay nagsisilbi lamang sa Kamaynilaan, samantala ang PNR ay sumisilbi sa Kamaynilaan at sa ilang bahagi ng Luzon. Mayroon ding mga lokomotorang singaw (steam engines) na matatagpuan sa Kabisayaan na gumagana sa mga gilingan ng tubo tulad ng Central Azucarera. Ang mga taksi at bus ay mga mahalaga ring anyo ng pampublikong transportasyon sa mga pook-urban ng bansa.May labindalawang (12) paliparang pandaigdig ang Pilipinas, at may higit sa dalawampung (20) paliparang panloob na sumisilbi sa bansa.[4] Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (o NAIA) ay ang pangunahing pasukan sa Pilipinas.