Sagot :
Answer:
Ang mass media sa kasalukuyang panahon ay mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad. Sinasabing ito ay makapangyarihang sandata o “tool” ng komunikasyon. Ito ay malaki ang papel na ginagampanan sa pagpapalaganap ng mga impormasyon na kinakailangang maipaalam sa mga mamamayan. Ang telebisyon, radio at internet ay mga halimbawa ng makapangyaring mass media. Ito ay “accessible” kahit sa maliliit na pamayanan sa ating bansa
Kapag may kalamidad, malaki ang ginagampanan ng mass media sa pagpapakalat ng mga advisories o babala sa mga komunidad. Sa pagdating pa lang ng nagbabadyang bagyo, halimbawa, naipapaalam na agad sa mga mamamayan ang mga dapat gawin upang makaiwas sa sakuna. Ang pagbibigay ayuda sa mga nasalanta ay nabibigyan din ng mass media ng tulong upang malaman ng gobyerno ang kalagayan ng mga biktima. Maging ang paghingi ng mga donasyon ng relief o tulong sa mga pribadong mamamayan ay dinadaan sa mass media. Dahil dito, kahit ang mga liblib na lugar sa Pilipinas ay nagkakaroon ng pagkakataong maabutan ng mga ayuda. aa pang araw-araw na pamumuhay, nabibigyan ng mass media ng tuwa o “entertainment” ang mga tao sa isang komunidad. Katulad na lamang nang mga panooring pangtanghali o sa gabi man. Ang mga balita sa ating bansa ay naipapalaganap din sa pamamagitan ng mga telebisyon, radio at internet. Sa mass media, nalalaman ng bawa’t isa kung ano o “in” o “trending” na nakakatulong sa mga negosyo sa mga komunidad. Ang patalastas o mga “advertisement” tungkol sa makabagong produkto ay idinadaan din sa mass media. Kung kaya’t ang mass media ay sinasabing “powerful tool” para sa kasalukuyang panahon ng komersyalismo.