Anu ang tawag s templo dambana na itinatag ng mga sumerian na kinikilala nilang dambana ng kanilang. Diyos o diyosa

Sagot :

Answer:

Kilala bilang ziggurat ang tawag sa mga templong dambana na itinatag ng mga Sumerian kung saan kinikilala at sinasamba nila ang kanilang mga diyos at diyosa. Sa kabuuan ng mga siyudad-estadong nakapaloob sa kabihasnang Sumerian, ang ziggurat ang istrukturang pinipiling itayo bilang templo. Kadalasang maliit ang mga ito ngunit lumaon at nagkaroon ng mga balkonahe at maraming mga kwarto.

Explanation: