ano ang mga katangian ng Demokrasya?

Sagot :

Maraming katangian ang pamahalaang demokratiko na nagpapaiba sa isang uri ng pamahalaan. 
Ang demokrasya ay isang pamahalaan ng mga batas hindi ng mga tao.ito ay nakatadhana sa saligang batas na pinaiiral s a buong bansa. Ang demokrasya ay pumipili ng kanyang mga opisyal o pinuno sa pamamagitan ng halalan.ang isang mamamayan ay maaring kumandidato para sa isang pampublikong tanggapan kapag siya ay nagtataglay ng mga kwalipikasyon ayon sa saligang batas.sila ay manunungkulan nang n
aaayon sa batas. Ang demokrasya ay nagbibigay ng kahalagahan sa mga karapatan ng mga mamamayan na punahin at salungatin ang mga patakarang pamahalaan. Ang demokrasya ay nagtatadhana ng paghihiwalay ng kapangyarihan ng tatlong sangay.tagapagganap o ehekutib,tagapagbatas o lehislatura at pang hukuman ohudiktatura.ito ay nagbibigay ng kinakailangang"check and balance"upang matiyak ang katapatan ng mga opisyal ng pamahalaan. Iginagalang ng demokrasya ang batas ng nakararami at ang karapatanng ilan o minorya. Katangian din ng demokrasya ang pagkapantay pantay ng tao sa karapatang magkaroon ng pagkakataon-anuman ang kulay,lahi,relihiyon paniniwala at katayuan panlipunan o pang kabuhayan.