III. Isulat ang letrang T kung TAMA ang ipinapahayag ng pangungusap at M naman kung MALI. 1. Binigyan ng pagkakataong mamahala at gumawa ng batas para sa bansa ang ilang Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano.
2. Ang mga komisyong ipinadala sa bansa ay walang magandang naitulong sa bansa.
3. Maraming nagawang batas ang mga Pilipino sa ilalim ng Pamahalaang Sibil katulad ng Batas Gabaldon. 4. Hindi sinikap ng mga Pilipino na patunayang may kakayahan silang pamahalaan ang sariling bansa.
5. Ang Batas Tydings-McDuffie ang nagbigay hakbang tungo sa kalayaan noong 1934.