anong ibig sabihin ng love


Sagot :

Ano ang ibig sabihin ng Love o Pag-ibig?

Ang love o pag-ibig ay isang kumplikadong uri ng emosyon na nauugnay sa malakas na damdamin ng pagsinta, paniniwala, at paggalang sa ibang tao. Sa makatuwid, iba't iba ang maaaring maging depinisyon ng pag-ibig. Ang bawat tao ay kailangan ng pag-mamahal upang mamuhay ng masaya at maayos. Ito ay isa sa pangunahing pangangailangan ng bawat isa sa atin. Ang pag-ibig ay maaari ring maramdaman sa iba pang mga bagay tulad ng hayop, prinsipyo, at mga paniniwala sa relihiyon. brainly.ph/question/248515

Iba't ibang Uri ng Pag-ibig

  • Eros (Pagmamahal sa katawan )

Ang ganitong uri ng pag-ibig ay naglalarawan ng sekswal na pang-akit, pisikal na pagnanais sa iba, at kawalan ng kontrol. Ito ay malakas, madamdamin, at maaaring mabilis na mawala.  

  • Philia (Affectionate Love )

Ito ay ang uri ng pag-ibig na nararamdaman mo para sa iyong magulang, kapatid, miyembro ng pamilya, at mga kaibigan. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay nauugnay sa katapatan, pagsasama, at tiwala. Ang Philia ay isang pantay na pagmamahal at pinahahalagahan ito nang mas mataas kaysa sa Eros.

  • Storge (Love of Child )

Ang uri ng pag-ibig na ito ay naglalarawan ng walang kondisyon na pag-ibig na inihahalintulad sa pagmamahal ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Ito ay tumutukoy sa pagtanggap at sakripisyo. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay tumutulong sa pagkatao ng isang bata.

  • Agape (Selfless Love )

Ang Agape ay kumakatawan sa unibersal na pag-ibig katulad ng nadarama ng tao para sa kalikasan at para sa kapangyarihan. Ang pag-ibig na ito ay maaaring madaling ipadama sa pamamagitan ng meditasyon, intuwisyon, at espirituwalidad.

  • Ludus (Playful Love )

Ang Ludus ay tumutukoy sa isang karanasan. Ito ay maaaring maramdaman bilang isang eksperimento, panunukso, at dala ng kagalakan.

  • Pragma (Long-lasting Love )

Ito ay makikita sa mga mag-asawa na matagal nang magkasama. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay mas umuusbong habang ito ay mas tumatagal. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay maaari lamang magtagal sa patuloy na pagpapanatili at pag-aalaga.

  • Philautia (Pag-ibig sa Sarili )

Ang Philautia ay naiugnay sa kumpiyansa at pagpapahalaga sa sarili. Ang Philautia ay maaaring maiugnay sa pagmamataas. Naniniwala ang mga pilosopo na ang tunay na kaligayahan ay makakamit lamang kapag ang isang tao ay may pag-mamahal sa kanilang sarili.

Mga karagdagang links tungkol sa Pag-Ibig:

Suliranin sa Pag-ibig: brainly.ph/question/2332108

Ano ang Pag-unawa sa Pag-ibig: brainly.ph/question/1776407