A. Panuto: Tukuyin ang karunungang bayan na inilalarawan sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang titik na A kung Tulang Panudyo, B kung Awiting-bayan, C kung Tugmang de Gulong, at D kung Bugtong o Palaisipan, E kung karunungang bayan.
___1. Isang uri ng tugmaang may sukat at tugma na ginagamit upang mang-asar sa isang bata.
____2. Ito ay mga awit na binubuo ng sukat at tugma at nakabatay sa pamumuhay, tradisyon at diyalekto ng isang partikular sa Pilipinas.
____3. Ito ay tugmaang naglalaman ng talinghaga at kapupulutan ng karunungan na nasa anyong palaisipan na dapat sagutin.
____4. Isang uri ng tugmang pangmasa na matatagpuan sa mga pampublikong sasakyan at nagsisilbing pang-aliw sa mga pasahero.
____5. Isang sangay ng panitikan na nagiging daluyan ng mga kaisipang naglalaman ng bawat kultura sa isang partikular na lipunan.