Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at tukuyin ang wastong gamit ng pandiwa. a. Aksiyon b. Karanasan c. Pangyayari ___1.(Tumindi) ang panibugho sa puso ni mathilde nang makita niya ang dami ng mga alahas ng kaibigan. ___2.(Natuwa) si Rumolus nang magapi niya ang kanyang kapatid na si Remus. ___3.Sa paghahanap ng makakain, (nasilayan) ng lobo ang mga naglalangoy na bibe. ___4.(Nabagbag) nang gayon na lamang ang kalooban ng kaibigan ni mathilde. ___5.(Sumang-ayon) naman si Wigan sa tinuran ni Bugan. ___6.(Naglakad) si Enkido patungo sa liwanag na kanyang natatanaw. ___7.Dahil sa sinapit na kabiguan, (nalungkot) ang lahat ng mga tao sa paaralan. ___8.(Gumuho) ang mga pangarap ni Amanda sanhi ng pagkamatay ng kanyang anak dahil sa COVID-19. ___9.(Ginawa) lahat ng mga matatapang na doctor at nurse ang kanilang makakaya upang tulungan ang mga taong tinamaan ng COVID-19. ___10.Agad na (ipinatawag) ng amo ang katiwala upang malaman kung totoong winawaldas nito ang kanyang ari-arian. ___11.Maraming mamamayan ang (humingi) ng ayuda mula sa pamahalaan magmula nang nagkaroon ng pandemya. ___12.(Nagdalamhati) ang mga taga-bicol region sa dami ng mga kababayang namatay dahil sa sunod-sunod na sakuna.
Please answer this correctly thank you<3, may god bless you ;-)