: Suriin natin ang sitwasyon sa Balikan batay sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral: Gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Pinadala sa isang kompetisyon ng basketbol sa Amerika ang mga batang atleta, edad 10-13 taon. Isang gabi habang nagpapahinga sila sa kanilang hotel, nag- imbita ang isa sa kanila na uminom ng alak sa kanilang silid sa hotel. Hindi mapakali si Daniel, isa sa mga atleta, dahil sa pakiramdam ng obligasyong piliin ang mabuti. Kaya, sa halip na makiisa sa mga kasamang atleta, pinili ni Daniel na manalangin upang umiwas sa temptasyong uminom ng alak. Handa siyang harapin ang anomang sabihin ng kaniyang mga kasamang atleta sa kaniyang hindi pakikisa Sinunod ba niya ang Likas na Batas Moral?