May tatlong uri ng Pang-abay, ang PAMARAAN, PAMANAHON at PANLUNAN.


PANUTO: Tukuyin at salungguhitan ang Pang-abay sa bawat pangungusap at isulat sa patlang ang uri nito


_______________ 1. Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa

huling nota.


______________ 2. Sisimulan na ang paligsahan sa darating na Linggo.


______________ 3. Ibinabalik ng mga magulang sa paaralan ang mga modyul.


______________ 4. Papasyalan nila ang “amazing sunflower farm” sa

Pangasinan


______________ 5. Tumakbo nang mabilis ang kabayo nang makarinig ng putok.


______________ 6. Tuwing gabi ay hindi niya nakakalimutang uminom ng gatas

bago matulog.


______________ 7. Naipaliwanag ni Anthony ang kanilang pangkatang ulat

nang mahinahon.


______________ 8. Nagsimula na kanina ang National Vaccination Day.


______________ 9. Humanga ang maraming tao sa kanilang nasaksihan na

palamuti sa bayan ng Antipolo.


______________ 10. Kahapon lamang nakumpleto ang aking bakuna laban sa covid- 19