dala nga ba ng pangangailangan ng sangkatauhan ang pagtuklas ng panitik? ​

Sagot :

ooo kasi ako lg to si natoy

Answer:

ituturo ang panitikan sa mga mag-aaral na malayo ang interes sa sining ng pagsulat.

Iniisip ko na marami sa kanila, kung hindi man mayorya, ang walang pagtanaw sa esensyal na halaga ng asignaturang ito bilang bahagi na kanilang pagkatuto. Sa wari ko, mukha silang nagtataka sa subject. Para silang nagdadalawang-isip dahil baka hindi magdulot ng pakinabang ang oras na ilalaan nila rito. Parang nakasaklob sa kanilang gunita ang ganitong pananaw at mula rito’y parang gusto kong mayamot.

Ganun pa man, sinikap kong isulat ito para sa ilang dahilan. Una, ibig kong maibsan ang aking agam-agam tungkol sa pagtuturo ng panitikan sa mga klaseng “mukhang disinterested” sa subject. Lilinawin ko, sa pamamagitan ng sanaysay na ito, ang paksa ng kanilang pag-aaralan sa pangkalahatan at tatangkaing kong ituro ang mga ito sa paraang hindi ko maiwawaglit ang interes ng mga mag-aaral habang sila’y nagbabasa o nakikinig