Sagot :
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
1. Budget o kita
2. Edad at kasarian
3. Katayuan sa Lipunan
4. Panlasa
5. Kapaligiran at klima
Budget o kita
Kita at Hanapbuhay
• Nakaiimpluwensiya rin sa pangangailangan ng tao ang halaga ng kaniyang kita.
o Ang mga tao na may malalaking kita ay nagkakaroon ng mas maraming pangangailangan.
o Sa kabilang banda, ang mga taong may maliliit na kita ay inuunang tugunan ang kanilang mga batayang pangangailangan.
• Halimbawa : Ang taong maliit ang kita ay naghahangad ng simpleng bahay ngunit ang may mas malaking kita ay naghahangad ng modernong bahay.
Edad o kasarian
Magkakaiba ang pangangailangan ng tao batay sa kanilang gulang o edad.
• Ang mga bata ay nangangailangan ng gatas at mga bitamina upang lumakas, sumigla, at bumilis ang paglaki.
• Ang mga teenager naman ay nangangailangan ng mga makabagong kagamitan na makatutulong sa kanilang pag-aaral.
Magkakaiba rin ang pangangailangan ng tao batay sa kanilang kasarian.
• Ang mga babae ay may ibang pangangailangan kaysa mga lalaki.
• Halimbawa, karaniwang mga bagay na magagamit sa pangangalaga ng katawan, lalo na sa panahon ng buwanang dalaw, ang kailangan ng mga babae.
Katayuan sa lipunan
• Ang pamayanang pinagtatrabahuhan ng isang tao kabilang kanyang posisyon.
Halimbawa: Kung ang isang tao ay may katayuan sa opisina halimbawa manager ay maghahangad siya ng sasakyan sapagkat Malaki ang maitutulong nito upang lalo siyang maging produktibo sa kanyang mga Gawain at obligasyon.
Panlasa
• Ang edukasyon o ang antas ng edukasyong narating ng isang tao ay may epekto rin sa kaniyang mga pangangailangan.
o Ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng mga gamit sa paaralan.
o Ang mga hindi naman nag-aaral ay nangangailangan ng mga bagay na magagamit nila sa kanilang pinagkakaabalahang hanapbuhay.
• Ang panlasa sa pagkain o estilo ng pananamit ay may epekto rin sa mga pangangailangan ng tao.
o May ibang tao na mahilig sa isang estilo ng pananamit na hindi masyadong gusto ng iba.
o May ilan din na mayroon lamang partikular na pagkaing nais kainin..
Kapaligiran at klima
Kung ang isang tao ay nakatira malapit sa dagat. Kalimitan ang kanilang hanap-buhay ay pangingisda.
MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSYA SA PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN BASAHIN SA
brainly.ph/question/363644
brainly.ph/question/2223623
## BETTERWITHBRAINLY