Sagot :
Ang Mesopotamia ay nagmula sa salitang griyego ang Meso na nangangahulugan ng pagitan at ang potamos nangangahulugan naman ng ilog kaya ang ibig sabihin ng Mesopotamia ay Ang Lupain sa Pagitan ng Dalawang ilog. Ang malawak na lupain kung saan ay dumadaloy ang dalawang malaking ilog Tigris at Euphrates na pinag usbungan naman ng kauna-unahang lungsod sa daigdig.
Saan nga ba matatagpuan ang Mesopotamia?
Ang mesopotamia ay ating matatagpuan sa rehiyong Fertile Crescent, Kung saan ito ay isang paarkong matabang lupain na nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa Silangang baybayin ng Mediterranean Sea.
Ang mga unang kabihasnan sa Mesopotamia
- Sumerian
- Akkadian
- Babylonian
- Hittites
- Assyrian
- Hebreo
- Phoenician
- Persian
- Chaldean
- Sumerian
Ang mga sumerian ang unang gumamit ng sistema ng panukat ng timbang at haba, sila ang unang nagtatag ng organisadong puwersa sa pagtatayo ng mga dike, sila rin ang nakatuklas ng agham sa pag opera, ang mga sumerian din ang unang gumamit ng mga hayop sa pag aararo ng bukid.
- Akkadian
itinatag ang kauna unahang imperyo sa daigdig noong 2350 B.C.E. sa pananakop ni Sargon. Si Sargon ay nagmula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod ng akkada, kung kayat ang kauna unahang imperyo sa daigdig ay tinatawag na Akkadian.
- Babylonian
Ang pangunahing dahilan ng kanilang pag unlad bilang isang pangkat ay ang pagkakatuklas nila ng bakal, Mula sa bakal ay superior na mga sandata ang kanilang nagawa, na naging dahilan ng mabilis na pananakop sa mga karatig na lupain. Ang nakatulong din ng malaki sa kanilang pag unlad sa pangangalakal ang kanilang sistema ng pagbabatas dahil hindi ito kasing lupit ng batas ni Hammurabi kayat naging maayos ang pagpapatakbo ng imperyo at nagkaroon ng maayos na kalakalan.
- Assyrian
Sila ang kauna unahang pangkat na naka buo ng epektibong sistema ng pamumuno ng imperyo na kinopya naman ng ibang pangkat sa malapit sa silangang ang mga pamamalakad nila.
- Chaldean
Ang mga chaldeans ang luminang ng mga konsepto ng zodiac signs at mga horoscope, Ang pamumuno ni Haring nebuchadnezzar ang nagdala sa mga chaldean sa rurok ng tagumpay. Siya pumili ng mga kabataang mahuhusay mula sa kanyang mga nasakop na lugar upang maging katulong niya sa kanyang pamununo.
- Kabihasnang Persian
Sila ang nagtatag ng malawak na imperyo na tinatawag na imperyong Achaemenid, sila ay nagsimulang manakop sa panahon ni Cyrus the Great at napasailalim nga sa kanila ang mga Medes at Chaldean sa Mesopotamia at ang asia Minor.
buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
ANO ANG MESOPOTAMIA??? https://brainly.ph/question/59256
In what place in mesopotamia is called sumer? https://brainly.ph/question/72614
Ano ang mesopotamia sa kasalukuyan? https://brainly.ph/question/1536856