ibigay ang kahulugan ng sarswela

Sagot :

Ang sarswela ay isang uri ng tradisyonal na dramang musikal na namana ng mga Pilipino sa mga kolonyalistang Kastila. Tinatawag rin itong dulang awitan na nagpapakita ng kantahan at sayawan na tumutukoy sa mga kontemporaryong usapin at mga tunay na nangyayari sa sambayanan.

 

Sarswela rin minsan ang ginagamit na pantukoy sa uri ng hustisya sa bansa at nangangahulugang palabas lang ang lahat at nilalaro lamang ng mga taong makapangyarihan ang batas.