ano ang ibigsabihin ng paggugubat?


Sagot :

Ano ang ibig sabihin ng paggugubat?

  • Sa larangan ng ekonomiks, isa sa mga aralin na tinatalakay ay ang sektor ng paggugubat.
  • Ang Pilipinas ay tanyag sa malawak na kagubatan na pinagkukunan ng mahahalagang sangkap para tugunan ang lumalawak na demand sa pagitan ng sambahayan at bahay-kalakal.
  • Sa paglipas ng panahon habang lumalaki din ang populasyon ng bansa, ang pamahalaan ay tunay na nag-alala sa kalagayan ng kagubatan lalong lalo na sa pagtiyak ng konserbasyon ng kalikasan.
  • Ang paggugubat ay isang hakbang o gawain upang linangin ang yamang-kagubatan. Sa paglilinang ng yamang- kagubatan, minarapat ng pamahalaan na magkaroon ng mahalagang papel upang magkaroon ng paglimita sa paggamit ng likas yaman.
  • Ang pagtotroso ay isa sa mga gawaing pangkagubatan.
  • Upang mapakinabangan ang mga punong -kahoy at iba pang yamang-kagubatan, ang papel ng pamahalaan, katuwang ang mga pribadong sektor ay nagsusulong ng likas-kayang pagtotroso, upang maiwasan ang pagkakaroon ng malawakang suliranin.
  • Bukod rito, iniiwasan ang pagkasayang ng likas-yaman at mabigyan ng nararapat na bahagi ang ilan sa minoryang mamamayan na umaasa sa kabuhayang pangkagubatan.

Kahalagahan ng Kagubatan

• Tagapagpigil sa soil erosion at malawakang pagbaha

• Nagsisilbing proteksiyon para sa isang lokasyong palagiang nakararanas ng sakuna tulad ng bagyo at tagahigop sa lumalalang usok at alikabok (polusyon) mula sa kapatagan dulot ng produksiyon at gawain ng tao

• Pinagmumulan ng hilaw na materyales (bahay at iba pang kagamitan)

• Kanlungan ng mga buhay- ilang

• Lugar kung saan para sa mga mananaliksik ng kalikasan

Hakbang ng likas-kayang (tama at sapat na) pagtotroso

• Pagpapalaganap ng edukasyon tungkol sa kalikasan (pagkakaroon ng information campaign sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan)

• Ibayong pagtataguyod at pagtatalaga ng mga kalihim ng Department of Environment and Natural Resources para sa likas kayang pagtotroso at paggamit ng iba pang produktong mula sa kagubatan

• Maigting na pagbabantay sa mga kagubatan (Check Points, Bantay- Gubat) na itinalaga ng Local Government Units mula sa mandatong Nasyonal

• Maigting na kampanya para sa Reforestation sa lahat ng lalawigan ng bansa.

• Paglimita sa pagpapatayo ng mga minahan upang maiwasan ang malawakan pagpuputol ng mga punong- kahoy para sa eksplorasyon.

kahulugan ng pangugubat: brainly.ph/question/526991

brainly.ph/question/1352681

Ano ang subsektor ng paggugubat?

brainly.ph/question/521543

#LEARNWITHBRAINLY