Sagot :
Ang nobela ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Ito ay naglalahad ng mga pangyayarin na maaring humahalintulad sa larangan ng buhay. Higit sa lahat, ang nobela ay maraming pahina at mayroon itong lampas sa dalawa na tauhan.
Uri ng Nobela
- Nobelang Romansa
- Kasaysayan
- Nobelang Banghay
- Nobelang Masining
- Layunin
- Nobelang Tauhan
- Nobelang Pagbabago
Layunin ng Nobela
- gumising sa diwa at damdamin
- nananawagan sa talino ng guni-guni
- mapukaw ang damdamin ng mambabasa
- magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
- nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
Mga Halimbawa ng Nobela
- Binhi at Bunga
- Bulaklak ng Bagong Panahon
- Daluyong
- Dekada 70
- El filibusterismo
- Gapô
- Halimuyak
- Halina sa Ating Bukas
- Ipaghiganti mo ako!
- Kanal dela Reina
- Kangkong 1896
- Kasaysayan ng Magkaibigang Nena at Neneng
Paglaganap ng Nobela sa Kanluran
- Dahil mayroong iba’t-ibang layunin at katangian ang nobela naging libangan ito ng mga tao. At dahil dito napasalin-salin na ito sa mga sumunod na henerasyon.
- Lumaganap din ito sapagka’t may iilang nobela na nagiging inspirasyon ng mga mambabasa sa pamamagitan ng mga aral na nakukuha nila rito.
- Dahil sa nobela napukaw ang diwa at damdamin ng mga taga kanluran ukol sap ag-unlad ng buhay at lipunan. Nagsilbi itong daan upang mapukaw ang kamalayan ng mga mamamayan.
Para sa mga karagdagan na impormasyon, maaring pumunta sa mga link na nasa ibaba:
Kahulugan at Elemento ng Nobela: https://brainly.ph/question/1653809
Paglaganap ng Nobela sa Kanluran: https://brainly.ph/question/999520
https://brainly.ph/question/440383