Ang mito o mitolohiya ay ang mga kuwento na nagbibigay paliwanag sa mga bagay-bagay sa kapaligiran. Kadalasang tampok dito ang mga diyos at kung paano sila nakikisalamuha sa mga tao.
Ilan sa mga elemento ng mito ay ang mga sumusunod:
1. Usaping eksistensyal o pilosopikal .
2. Pagbibigay paliwanag sa pinagmulan ng mga bagay-bagay at kung bakit nangyayari ang mga nangyayari sa kapaligiran.
3. Kuwento ng paglalakbay ng mga diyos, diyosa, at mga bayani.
4. Pagkakaroon ng mga propesiya.
5. At, trahedya.