ano ang kahulugan ng uliran

Sagot :

Kahulugan ng salitang Uliran

Ang salitang uliran ay mayroong sumusunod na kahulugan:

  • Ehemplo
  • Modelo
  • Halimbawa
  • Huwaran
  • ito ay isang tao na may magagandang katangian kaya nararapat na tularan

Mga halimbawang pangungusap:

  • Si Laura ay isang ulirang ina dahil sa kaniyang kasipagan para mabuhay lamang ang kaniyang mga anak.
  • Si Manuel ay isang ulirang mag-aaral sa kanilang paaralan dahil sa kaniyang pagtiyatiyaga sa pag-aaral kahit na sila ay malayo sa paaralan at walang kuryente sa bahay.
  • Ang Panginoon ang ulirang simbolo ng tunay na pagmamahal sa sangkatauhan.
  • Si Janet ay kilala sa pagiging uliran dahil sa kaniyang pakikipagkapwa tao at madalas na pagtulong sa kapwa.

Upang magkaroon ng mas malalim na pang-unawa:

Kahulugan ng uliran https://brainly.ph/question/255286

Kasingkahulugan ng uliran https://brainly.ph/question/500440

#LearnwithBrainly