Bakas
Kahulugan:
Ang katagang ito ay isang pangngalan na ang ibig sabihin ay marka o palatandaan. Sa mga bahagi ng katawan, ang madalas na nag iiwan ng bakas ay ang mga paa partikular ang yapak o ang talampakan, ang mga kamay partikular ang bakas ng hinlalaki o thumb mark, ang mga labi o ang tinatawag na kiss mark. Sa kriminolohiya, mahalaga ang papel na ginagampanan ng bakas sa paglutas ng mga kasong may kinalaman sa pananakit, tangkang pagpatay, pagpatay, pagnanakaw, at panununog. Ang mga bakas ay ginagamit na matibay na ebidensya upang matukoy ang taong responsable sa krimen. Ito rin ang kadalasang ginagamit sa mga DNA test upang malaman o mapatunayan na ang krimen ay sinadya o intensyonal. Sa kasaysayan man mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng mga bakas sapagkat ito ang nagdurugtong ng mga pangyayari noon at sa kasalukuyan. Kung wala ang mga bakas ng lumipas, hindi magkakaroon ng mahalagang batayan ang mga bagong henerasyon.
Halimbawa:
Ang bakas ng sapatos mula sa labas ang patunay na ang magnanakaw ay sa pinto ng kusina dumaan at dito sa harapan lumabas.
Nang pumasok kayo sa loob ng bahay ay nag iwan kayo ng bakas ng putik sa sahig kaya naman ganun na lamang ang yamut ni Inang.